Para sa iba pang mga balita…

Makailang beses akong nag-bura ng isusulat sa post na ito. Mula sa opinyong radikal, piksyon, hanggang sa personal na panulat, pagkatapos ng isang talata, binubura ko. Hindi ako nakukuntento dahil, marahil nga, maraming bumabagabag sa akin.
Nalulungkot ako, kasi gusto ko ibalik yung mga kaya kong isulat nuon, kahit na alam kong wala masyadong katuturan at panay kalokohan lang. Iniisip ko kung  ano nga ba ang nangyari bakit nawala yung kislap na dati naman kusang dumarating.

A. Microblogging.
Kinain ako 140-500 characters limit. Kaunting sulat mo lang, masasabi mo na ang ginagawa mo at mga gagawin mo ng walang eksplenasyon. Mas marami din ang makaka-ugnay dahil, sa panahon ngayon, tumataas ang bilang ng taong tamad mag-basa.

B. Tumigil.
Bigla na lang akong tinamad, na-tengga sa bahay, nawalan ng sasabihin, nawalan ng gana, at hindi na nag-tangkang mag-isip pa.

C.  Pagkamatay ng bokabularyong tagalog.
Mas kuntento akong mag-sulat sa Tagalog. Sa totoo lang, ayoko syang bitawan kahit na nasa ibang-bansa ako. Pero dahil madalas,  nasa wikang ingles ang mga binabasa ko, hindi ko naiiwasang makalimot ng mga ibang salita. Nasa estado ako na 50%ingles-50%tagalog, tapos yung sa tagalog unti-unti ng nakakain ng ingles. Ayoko kasi ng simpleng tagalog lang, mas gusto ko yung malalim, dahil kahit sa Pilipinas, marami na din ang hindi ito sinasanay. Naiiyak nga ako dahil minsan, gumagamit pa ako ng google translate para lang isalin sa tagalog  ang mga salitang  sa ingles ko lang alam gamitin.

D. Pagkabigo sa Buhay
Nabigo ako ng sabay-sabay sa halos lahat ng bumubuo sa aking kaluluwa. 2011 na ata ang pinaka masaklap na taon para sa akin.Itinaon talaga kung kailan matanda na ako’t  mas marami ng alam. “oh diba dapat mas hindi masakit kasi matanda ka na?”  Dyan kayo nag-kakamali, dahil sa sobrang dami ng natutunan mo, hindi mo alam kung alin ang uunahin mong sundin. Mahirap kalabanin ang sariling utak. Pamula sa Pamilya, Pera, Pag-ibig, at sa mismong Sarili ko. “Oh diba dapat mas marami kang maikukuwento kung ganon?” Hindi. Hindi ganuon kadali.  Ayokong isulat lahat, dahil may mga bagay na ayoko ng paulit-ulit pang balikan, dahil sa totoong buhay, ay paulit-ulit din naman silang pinag-kukwentuhan. Ang pag-babasa ay mas nakaka-bingi.  Kahit pa sabihin nating “pag-lumipas naman ang mga panaho’t binalikan mo eh tatawanan mo na lang…”  Hindi ito iyon.

E. Pag-papanggap
Dahil nahuhumaling ako sa “non-verbal expression”  Nalaman ko na may talento ako sa potograpiya, Hindi sa pag-yayabang, pero ito na lang sa ngayon ang pinang-hahawakan ko. Wala na akong ibang maisip pa. Pa-sikreto kong tinatawanan yung mga taong alam kong nahihili lang, dahil nababasa ko ang intensyon ng tao sa pamamagitan ng kanilang mga litrato. Hindi ko din alam kung paano ito nangyari at kung saan ko ito nakuha, basta ang alam ko mas marami pa din ang hindi nakakaintindi. (ako din, pero bahagya lang hehe)

F.Pag-papaliban/Pag-papabukas/Kawalan ng Bilib
Sa katamaran ko, kapag nakakaisip ako ng ideya, ipinagpapabukas ko pa. Ni-hindi ko nga isinusulat sa papel, basta tinatandaan ko na lang ng pikit-mata, bilang kilala ko ang sarili kong may sakit na malilimutin at maikli ang pasensya. Bahala na kung maalala, wala rin namang  mag-babasa, at kung may mag-babasa naman, malamang mababansagan lang akong mang-mang at kulang sa abilidad.

Alam ko na, siguro, kailangan ko ulit magbasa-basa ng tagalog, yung mga librong naipon ko, yung may mga kuwento para gisingin ang natutulog kong delusyon.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s