Panaghoy

Unti-unti na akong naniniwala na ang paglalayas ang pinaka mainam na solusyon para maisalba ang sarili. Hindi ko tinutukoy ang tipo ng pagrerebelde na may kasamang alak, sugal at kung anong bisyo. Ito yung paglalayas na para sa sariling kapakanan. Makasariling desisyon. Kasi, dalawa lang naman ang pwede kong maging dahilan kung bakit ko naisip ito, una sinusukuan ko na yung problema, yung ideya na basta na lang ako aalis kasi galit ako, bahala na kung anong mangyayari sa akin, kesihodang wala na akong makain o mapatira ako sa kalye, basta makaalis ako dito.. o kailangan kong umalis kasi, kailangan ko. Para sa ikabubuti ng pagkatao ko, paghahanap sa sarili, at subukan kung anong klaseng disiplina ako meron.

Ang problema, nasa gitna ako ng dalawang ideyang nabanggit. Gusto ko umalis dito sa amin kasi galit ako habang nandun din yung kailangan kong maranasan ang reyalidad ng buhay. Pero hanggang salita lang ako, dahil sa panahon ngayon kailangan kong pagbayaran kung ano mang utang na loob ang ibinigay sa akin. kahit inaamin kong, labag sa kalooban ko, sige lang kaya ko pa. Ganuon talaga eh. Kung anong kinuha kailangan ibalik. Bakit kasi pag wala kang mahanap na solusyon eh nakakapagisip ka mg mg di maganda.Hindi talaga ako magaling tumunaw ng mga impormasyong biglaang sumasalmpak sa mukha ko.

Im so duwag. T_T

Chronicles of Nardalina Jimenez, Ang Foodie Sta Maria ng Barrio Puting-Bato.

Para sa isang “Foodie” na katulad ko,( foodie ang pinasosyal na term para sa mga matatakaw o patay gutom na katulad ko),marami ng mga bagay akong nabuong kaartehan ukol sa mga pagkain, katulad ng  mayroon akong mga ritwales sa mga pagkain, mga habit na hindi na maalis, mga pagkain na inimbento, at saka mga lutong  natsambahang gayahin. naks, kung maka foodie sta. maria naman, sos.

Takaw Mata. Ganyan ako minsan, yan yung bibili ka ng madaming pagkain, tapos hindi mo naman uubusin. Naku, punong-puno ang pantry namin ng pagkaing isang beses lang nabuksan, tipong nag-crave lang sa lasa tapos, wala na, mapupunta na sya sa likod ng aparador hanggang sa mabulok o makalimutan na meron pa pala. Meron din akong ugali na nilalagyan ng sentimental value yung pagkain, Pag-susube sa tagalog,  lalo na kapag galing pang Pilipinas. Kunwari yung isang balot ng Iced Gemz na 12 packs ang nasa loob, yung 11 ang kakainin, na aabutin pa ng isang taon, ganun ko sya tinitipid! tapos yung matitirang isa, yung ang pang-hihinayanangan kong kainin at i-tae, kaya nakalagay lang sya sa snack container, andun lang, nag-hihintay na yumumi.

Katulad mo din ba ako na kapag kumakain ng sinigang o nilaga, tapos baboy ang karneng ginamit,  isinusube yung taba para ‘yun ang huling kakainin sa huling subo? Ganuon kasi sya ka-espesyal para sa akin. Kaya nga diba, yung taba din ang nasa huli ng mga bbq!  Ganito yan,  pag-ulam ko ang sinigang o nilaga, uunahin ko munang kainin yung gulay, tapos pag kaunti na lang yung gulay, saka ako mag-sasama ng kaunting karne  sa bawat subo, tapos  ang palaging nahuhuling maubos sa gulay eh gabi, katumbas sya ng patatas sa nilaga, palaging panghuli kasama ng taba. pero, mauunang maubos ang kanin kesa sa ulam, hindi sila sabay, kasi masarap yung pakiramdam na  alam mong tapos ka ng kumain pero may pinapapak ka pa, signs of acute obesity? 

Nuong isang linggo, o dalawang linggo? hindi na ako sigurado, basta hindi kanina,  nagluto ako ng “mashed potato” dahil sa tinamad akong mag-luto ng aming tanghalian.  Naawa naman ako sa sarili ko, dahil feeling ko, nagddiet ako sa arteng mashed potato lang ang tanghalian, kaya naisipan kong gumawa ng “gravy”. Shalan, mr. pure energy, gume- gray v. Tapos, yung unang gawa ko, pansarili lang, pucha lang, napatamis! Nanghinayang naman akong itapon, takte, tag-hirap na nga kami, magtatapon pa ako ng pagkain! Kaya pinandigan ko na lang, kinain ko kahit yung lasa nya eh mashed potato na sinabawan ng palamig, oh diba! sago na lang kulang eh!  Tapos, dumating si ate galing sa eskewelahan nya, so gumawa ako ng pangalawang batch kasi, selfish nga ako nung una eh, di ko naman alam na gusto din nya. Sa pangalawang subok, mas naging…  AY TAKTE! yung pangalawang batch, NAIYAK AKO!!! KALASA NUNG KFC GRAVY NG PINAS! Ilang beses ko ata itong ipinag-yabang sa mundo ng internet. Tuwang-tuwa ako, kasi biro mo, kaya ko na itong ulit-ulitin kahit anong oras! Pwede akong makagawa ng gravy na ipansasabaw ko  sa kanin, kahit walang  fried chicken.

Kapag wala naman kaming maiulam dito dahil sukang-suka na kami sa ulam na paulit-ulit, gumagawa kami ng “lottery ofulam”, kung ano na lang ang mabunot sa “crisper” (alam mo ba yung crisper? weh? sige na nga, huwag mo na i-google,  ito yung cabinet sa pinaka-ibaba ng refrigerator, yung taguan ng gulay, kasi yung ilalim ang pinaka malamig at ideal temperature para sa gulay ng hindi ito agad-agad na malanta o mabulok). Tapos ayun, “bahala na ulam” ang kinalalabasan, Lahat naman kasi kami dito eh “cook” kuno, basta masarap ang lasa, walang kaso. lamang-tiyan din. Ang pinakasafe na gawin ay ginisang gulay na may piniritong maliliit na karne. Hinding hindi ka magkakamali dahil sa sobrang dali! yes! rhyming!  Ginisang pechay, Ginisang repolyo, Ginisang Ampalaya, Ginisang Upo!  kahit nga Ginisang Bahay Kubo! masarap pa din. Sanay kami sa ugaling “kahit ano” kaya hindi mahirap pakisamahan, basta ba ‘wag lang panis.


 

Para sa iba pang mga balita…

Makailang beses akong nag-bura ng isusulat sa post na ito. Mula sa opinyong radikal, piksyon, hanggang sa personal na panulat, pagkatapos ng isang talata, binubura ko. Hindi ako nakukuntento dahil, marahil nga, maraming bumabagabag sa akin.
Nalulungkot ako, kasi gusto ko ibalik yung mga kaya kong isulat nuon, kahit na alam kong wala masyadong katuturan at panay kalokohan lang. Iniisip ko kung  ano nga ba ang nangyari bakit nawala yung kislap na dati naman kusang dumarating.

A. Microblogging.
Kinain ako 140-500 characters limit. Kaunting sulat mo lang, masasabi mo na ang ginagawa mo at mga gagawin mo ng walang eksplenasyon. Mas marami din ang makaka-ugnay dahil, sa panahon ngayon, tumataas ang bilang ng taong tamad mag-basa.

B. Tumigil.
Bigla na lang akong tinamad, na-tengga sa bahay, nawalan ng sasabihin, nawalan ng gana, at hindi na nag-tangkang mag-isip pa.

C.  Pagkamatay ng bokabularyong tagalog.
Mas kuntento akong mag-sulat sa Tagalog. Sa totoo lang, ayoko syang bitawan kahit na nasa ibang-bansa ako. Pero dahil madalas,  nasa wikang ingles ang mga binabasa ko, hindi ko naiiwasang makalimot ng mga ibang salita. Nasa estado ako na 50%ingles-50%tagalog, tapos yung sa tagalog unti-unti ng nakakain ng ingles. Ayoko kasi ng simpleng tagalog lang, mas gusto ko yung malalim, dahil kahit sa Pilipinas, marami na din ang hindi ito sinasanay. Naiiyak nga ako dahil minsan, gumagamit pa ako ng google translate para lang isalin sa tagalog  ang mga salitang  sa ingles ko lang alam gamitin.

D. Pagkabigo sa Buhay
Nabigo ako ng sabay-sabay sa halos lahat ng bumubuo sa aking kaluluwa. 2011 na ata ang pinaka masaklap na taon para sa akin.Itinaon talaga kung kailan matanda na ako’t  mas marami ng alam. “oh diba dapat mas hindi masakit kasi matanda ka na?”  Dyan kayo nag-kakamali, dahil sa sobrang dami ng natutunan mo, hindi mo alam kung alin ang uunahin mong sundin. Mahirap kalabanin ang sariling utak. Pamula sa Pamilya, Pera, Pag-ibig, at sa mismong Sarili ko. “Oh diba dapat mas marami kang maikukuwento kung ganon?” Hindi. Hindi ganuon kadali.  Ayokong isulat lahat, dahil may mga bagay na ayoko ng paulit-ulit pang balikan, dahil sa totoong buhay, ay paulit-ulit din naman silang pinag-kukwentuhan. Ang pag-babasa ay mas nakaka-bingi.  Kahit pa sabihin nating “pag-lumipas naman ang mga panaho’t binalikan mo eh tatawanan mo na lang…”  Hindi ito iyon.

E. Pag-papanggap
Dahil nahuhumaling ako sa “non-verbal expression”  Nalaman ko na may talento ako sa potograpiya, Hindi sa pag-yayabang, pero ito na lang sa ngayon ang pinang-hahawakan ko. Wala na akong ibang maisip pa. Pa-sikreto kong tinatawanan yung mga taong alam kong nahihili lang, dahil nababasa ko ang intensyon ng tao sa pamamagitan ng kanilang mga litrato. Hindi ko din alam kung paano ito nangyari at kung saan ko ito nakuha, basta ang alam ko mas marami pa din ang hindi nakakaintindi. (ako din, pero bahagya lang hehe)

F.Pag-papaliban/Pag-papabukas/Kawalan ng Bilib
Sa katamaran ko, kapag nakakaisip ako ng ideya, ipinagpapabukas ko pa. Ni-hindi ko nga isinusulat sa papel, basta tinatandaan ko na lang ng pikit-mata, bilang kilala ko ang sarili kong may sakit na malilimutin at maikli ang pasensya. Bahala na kung maalala, wala rin namang  mag-babasa, at kung may mag-babasa naman, malamang mababansagan lang akong mang-mang at kulang sa abilidad.

Alam ko na, siguro, kailangan ko ulit magbasa-basa ng tagalog, yung mga librong naipon ko, yung may mga kuwento para gisingin ang natutulog kong delusyon.

Naasar ako.

Sa tuwing nag-tatangka akong mag-sulat, nawawala ako sa momentum.
Uumpisahan ko, pero hindi ko matatapos, kailangan kong balikan para maisip ulit kung ano ang gusto kong sabihin.
Goodluck naman kung mababalikan ko diba?! choz.
Napaka-ironic na sa ganito din paraan kung paano ako na-ibabahagi ito. Namimiss ko ang 2008, kasi hindi ako hirap mag-sulat nuon, kung ano na lang ma-isip ko, type agad! kahit alam kong walang sense, at least nakakatapos ako ng isang blog post.
GAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!!!!!!!!!!
Paano ba ibalik yon?
Tumindi ata yung kawalan ko ng disiplina at sakit na procrastination, pero… sinusubukan ko naman talaga eh. :’( HAHA nawalan ako ng gana yata, pero bakit ako nagsusulat ngayon? ang gulo talaga. :’(
Ang dami kong ISSUE!!!!!!!!! Ang dami kong kwento! pero pag-nandito na ako, nababahag na ang buntot ko.
puro ako daldal! wala namang saysay :|

 

kaka-sad.